Mula ika-7 hanggang ika-10 ng buwang ito, magsasagawa si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng dalaw pang-estado sa Kazakhstan. Dadalo rin siya sa Ika-17 Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) at seremonya ng pagbubukas ng Astana Expo 2017.
Kaugnay ng biyaheng ito, ipinahayag ngayong araw, Lunes, ika-5 ng Hunyo 2017, ni Li Huilai, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina, na umaasa ang panig Tsino, na mapapasulong ang relasyon ng Tsina sa Kazakhstan at iba pang kasaping bansa ng SCO, at mapapalalim ang kanilang kooperasyon sa iba't ibang larangan. Umaasa rin aniya ang Tsina, na mapapasulong ng biyaheng ito ang tuluy-tuloy, matatag, at malusog na pag-unlad ng SCO.
Salin: Liu Kai