Kahapon alas-6 ng gabi, natapos ng mahigit 9.4 milyong estudyante sa Tsina ang unang araw ng College Entrance Examination. Kumuha rin ang isang artificial intelligence robot AI-MATHS, ng kuna-unahang exam.
Ginugol ni AI-MATHS ang 22 at 10 minuto lamang para tapusin ang dalawang test papers sa mathematics at natamo ang score na 105 at 100. (150 perfect score).
Napag-alamang, ang mga kamalian ni AI-MATHS ay pangunahin na, sa mga tanong na mahaba ang paglarawan, in other words, mahusay ang pagpapakita nito sa calculations at problem solving, pero, mahina ang pang-unawa sa textual information.