Natanggap kamakalawa, Hunyo 7, 2017 ng China East Airlines sa Shanghai ang isang kahilingan sa pagtulong. Isang heart transplant operation ang ginawa sa Hongzhou nang gabing iyon, at pagkaraan ng operasyon, dapat agarang ihatid ang puso sa Wuhan. Pero, matapos ang operasyon, wala pa ang eroplanong magdadala ng puso patugong Wuhan. Kaya, humingi ng tulong ang ospital sa MU2520 (mula Shanghai patungo sa Wuhan). Makaraang malaman ng 147 pasahero ang pangyayaring ito, 79 na minuto silang naghintay nang walang reklamo at sa bandang huli, matagumpay na naihatid ang puso sa destinasyon.