Sa Ika-17 pulong ng Council of Heads of State of the Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idinaos Biyernes, June 9, 2017 sa Astana ng Kazakhstan, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat pahigpitin ng mga kasaping bansa ng SCO ang pagkakaisa, mga aktuwal na kooperasyon at pagpapalitan ng kultura para likhain ang mas magandang kinabukasan ng SCO.
Dumalo sa pulong na ito sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Pangulong Nursutan Nazarbaev ng Kazakhstan, Pangulong Almazbek Atambayev ng Kyrgyzstan, Pangulong Emomali Rakhmonov ng Tajikistan, at Pangulong Shavkat Mirziyoyev ng Uzbekistan.
Sa pulong na ito, buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga kasaping bansa ng SCO na dapat patatagin ang mas makatarungan, at makatwirang kaayusang pandaigdig na nakatuon sa komong kapakanan ng iba't ibang bansa sa daigdig.
Bukod dito, ipinasiya ng SCO ang pagtanggap sa India at Pakistan bilang pormal na kasaping bansa nito.