Sa isang pahayag na iniharap Martes, Ika-20 ng Hunyo, 2017, sinabi ni Carlos Dominguez III, Kalihim ng Pinansiya ng Pilipinas na makikinabang ang bansa sa konstruksyon ng imprastruktura at pagpapalawak ng pamilihan ng kalakalan dahil sa paglahok ng Pilipinas sa "One Belt, One Road" (OBOR) Initiative.
Ang OBOR ay tinatawag ding Belt and Road, pinaikling termino ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road na isinusulong ng Tsina para sa komong kasaganaan sa pamamagitan ng pagpapahigpit ng pag-uugnayan sa iba't ibang larangan.
Ani Dominguez, ang OBOR Initiative, lalu-lalo na ang Maritime Silk Road ay makakatulong sa mga proyekto ng konstruksyon ng imprastruktura ng Pilipinas, at makakatulong din sa paglikha ng bagong pamilihan para sa mga produkto ng Pilipinas sa mga bansa sa corridor sa pagitan ng Tsina , Middle East at Europe.
salin:Lele