Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko ng panig opisyal ng Biyetnam, noong unang hati ng kasalukuyang taon, umabot sa 5.73% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan ng bansang ito. Ito aniya ay mas malaki kumpara sa 5.52% na paglaki sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ngunit ayon kay Nguyen Bich Lam, Puno ng Pangkalahatang Departamento ng Estadistika ng Biyetnam, umiiral pa rin ang maraming di-matatag na elemento sa kabuhayan ng bansa na tulad ng mabagal na pagbabago ng modelo ng paglaki ng kabuhayan, at proseso ng estruktural na re-organisasyon, at mababang lebel ng labour productivity.
Salin: Li Feng