Ayon sa pahayagang "Economic Daily," isinapubliko kamakailan ng Pangkalahatang Departamento ng Estadistika ng Biyetnam ang datos na nagpapakitang noong isang taon, lumaki ng 6.68% ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Biyetnam. Ito ay mas malaki kumpara sa itinakdang target na 6.2%. Nitong limang (5) taong nakalipas, ito ang pinakamataas na paglaki ng GDP ng bansa.
Noong isang taon, aktuwal na nagamit ng Biyetnam ang 14.5 bilyong dolyares na pondong dayuhan, na lumaki ng 17.4% kumpara sa taong 2014. Umabot naman sa mahigit 162 bilyong dolyares ang halaga ng pagluluwas na lumaki ng 8.1%. Samantala, mahigit 165 bilyong dolyares naman ang halaga ng pag-aangkat na lumaki ng 12%.
Salin: Li Feng