Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalagayan ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Rusya at Alemanya, at pagdalo sa G20 Hamburg Summit, Inilahad ni Ministrong Panlabas Wang Yi

(GMT+08:00) 2017-07-10 09:13:55       CRI

Mula noong ika-3 hanggang ika-8 ng Hulyo, 2017, dumalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Rusya at Alemanya, at dumalo rin siya sa G20 Summit sa Hamburg, Alemanya.

Kaugnay nito, inilahad ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang mga katugong kalagayan.

Sinabi ni Wang na tagumpay ang biyaheng ito sa ibayong pagpapalakas ng estratehikong koordinasyon at pragmatikong pagtutulungan ng Tsina at Rusya sa mas mataas na antas. Aniya pa, ibayo pa nitong pasusulungin ang relasyong Sino-Aleman, pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at Europa, pagpapasulong ng pagtutulungan ng G20, at pagbibigay ng bagong sigla sa pangangasiwang pangkabuhayan ng mundo.

Ani Wang, sa pananatili ng G20 Hamburg Summit, dumalo si Pangulong Xi sa mga talakayan hinggil sa kalagayang pangkabuhayan ng daigdig, kalakalan, pinansya, enerhiya, pagbabago ng klima, isyu ng Aprika, kalusugan, paglaban sa terorismo at iba pa. Inilahad ni Xi ang ideya at paninindigan ng Tsina sa mga may-kinalamang isyu, at pinaninindigan niya sa buong lakas na pagpapasulong ng kooperasyong pandaigdig, dagdag pa ni Wang. Sinabi pa niyang binigyang-diin din ng Pangulong Tsino na nagkakaisa at nagkokomplemento ang ideya ng pagbubukas, pagtutulungan at win-win situation na itinataguyod ng Belt and Road Initiative, at diwa ng partnership at pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig na itinataguyod naman ng G20. Ito aniya'y para sa magkasamang pagpapasulong ng kabuhayang pandaigdig.

Ani Wang, nakapaloob sa kumunike na inilabas ng Hamburg Summit ang mga mungkahi at ideya na iniharap ni Pangulong Xi. Aniya, patuloy nitong ipinapatupad ang komong palagay na narating sa Hangzhou Summit ng G20.

Sinabi rin ni Wang, na mula noong ika-3 hanggang ika-8 ng Hulyo, dumalo si Pangulong Xi sa 40 bilateral at multilateral na aktibidad at nakipag-usap siya sa mga lider ng ibat-ibang bansa't organisasyong pandaigdig, na kinabibilangan ng Pangulo ng Amerika, Timog Korea, Pransya, Punong Minsitro ng Britanya at Singapore, at iba pa. Narating aniya ng mga lider ang mga bagong pagkakasundo sa pagpapatibay ng pagtitiwalaang pampulitika, at pagpapalalim ng bilateral at multilateral na kooperasyon.

Ipinahayag ni Wang na bilang bagong pahina sa kasaysayang pandiplomasiya ng Tsina na may katangiang Tsino, ang biyaheng ito ni Pangulong Xi ay nagpapalalim ng komprehensibong patakarang panlabas ng Tsina at nagpapataas ng aktibo at konstruktibong imahe ng bansa sa daigdig.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>