Ipinatalastas ngayong araw, Martes, ika-27 ng Hunyo 2017, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula ika-3 hanggang ika-6 ng susunod na buwan, magsasagawa si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng dalaw-pang-estado sa Rusya at Alemanya.
Sa kanyang pananatili sa Alemanya, dadalo rin si Xi sa Ika-12 G20 Summit, na idaraos sa Hamburg sa ika-7 at ika-8 ng Hulyo.