Ipinatalastas Hulyo 10, 2017 ni Punong Ministro Haider al-Abadi ng Iraq ang pagpapalaya sa lunsod ng Mosul. Aniya, nagwasak na ang pagkontrol at pagyurak ng Islamic State sa lugar na ito.
Nang araw ring iyon, dumalo si al-Abadi sa seremonya ng pagdiriwang na idinaos sa punong himpilan ng tropang Iraqi sa Mosul.
Sinabi niyang ganap nang nabura ng Iraq ang puwersa ng IS sa Mosul, sa pamamagitan ng sakripisyo at buhay. Umaasa aniya siyang magkakaisa ang mga mamamayang Iraqi, at ipagpapatuloy ang pakikibaka laban sa terorismo, para palayain ang iba pang kalunsuran na nasa kontrol ng mga terorista.