|
||||||||
|
||
Turkey — Tinalakay nitong Sabado, Pebrero 11, 2017, nina António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), at Recep Tayyip Erdogan, Pangulo ng Turkey, ang tungkol sa situwasyon ng Syria at Turkey.
Kaugnay ng isyu ng Syria, ipinag-diinan ni Guterres ang kahalagahan ng pagbibigay-dagok sa terorismo at ekstrimismo sa Syria. Dapat aniyang malutas ang isyu ng Syria sa paraang pulitikal, kung hindi, hindi matatamo ng anti-terrorism action sa Syria ang tagumpay.
Kaugnay ng situwasyon ng Iraq, binigyang-diin ni Guterres na hindi dapat pasidhiin ng kasalukuyang aksyon laban sa "Islamic State (IS)" ang alitan sa pagitan ng mga relihiyon sa loob ng Iraq. Dapat aniya itong maging "simbolo ng rekonsilyasyon ng nasyon."
Bukod dito, hinahangaan din niya ang pagtanggap ng Turkey ng maraming refugees mula sa Syria at Iraq.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |