Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Batang taga-Myanmar, pinasalamatan ang mga doktor na Tsino

(GMT+08:00) 2017-07-14 15:38:38       CRI
"Maraming salamat po sa mga tiyo at tita mula sa China Charity Federation. Maraming salamat din po sa mga manggagamot na Tsino sa inyong muling pagbibigay sa akin ng bagong buhay."

Ito ang sinabi sa liham ng pasasalamat ng isang batang taga-Myanmar. Ang 11 taong gulang na batang babae na si Wutt Yi Tun ay isa sa 12 batang taga-Myanmar na may congenital heart disease (CHD) na walang-bayad na ginamot sa Beijing Anzhen Hospital, Tsina.

Pagkaraan ng halos 3 buwang panggagamot, gumaling at nakauwi sa Myanmar ang lahat ng nasabing mga musmos.



Si Wutt Yi Tun habang kinakapanayam sa kanyang bahay sa Dala, Lalawigang Yangon, Myanmar, Hulyo 11, 2017.

Sinabi ng bata na noon, dahil sa sakit, hindi siya nakakapaglakad nang malayo, kahit papuntang palengke. Pero, ngayon, maaari na siyang sumama sa kanyang nanay para pumunta sa palengke.

Noon, hindi nakakapasok sa paaralan ang bata, pero, ngayon, hangad niyang mag-aral at pangarap niyang maging tagapagsalin. "Bibisitahin ko po ang mga tiyo at titang Tsino na nagpagaling sa akin. Bibisitahin ko rin po ang mga kuya at ateng Tsino, yung mga boluntaryong tagapagsalin," anang bata.

Binisita ng delegasyon ng Pasuguan ng Tsina sa Myanmar na pinamumunuan ni Chargé d' affaires Chen Chen si Wutt Yi Tun sa kanyang bahay, Hulyo 11, 2017.



Si Chargé d' affaires Chen Chen (kaliwa) ay nagbibigay ng lampara at ibang gamit sa pag-aaral para kay Wutt Yi Tun.

Sinabi ni Chen na magkakapareho ang lahat ng mga magulang mula sa anumang bansa o lahi, at hangarin nilang maging malusog ang mga bata, tumanggap ng edukasyon at mag-ambag para sa lipunan. Dahil sa paggaling, papasok na sa paaralan si Wutt Yi Tun. Ito, ani Chen ang katuturan ng proyekto ng libreng panggagamot sa mga batang may CHD na nasa pagtataguyod ng China Charity Federation.

Si Wutt Yi Tun (ikatlo sa kanan) at pamilya, kasama ni Chargé d' affaires Chen Chen (ikaapat sa kanan)

Ang pagkukumpuni ng palayok at kawali ang ikinabubuhay ni U Mya Thein, tatay ni Wutt Yi Tun. May tatlong anak ang pamilya, pero, dahil sa sakit ng batang babae, tumigil sa pag-aaral ang kuya niya sa grade 6. Sobrang natuwa ang pamilya nang malamang maooperahan nang libre ang bata sa Tsina.

Sinabi ng ama na ang kondisyon ni Wutt Yi Tun ang pinakamalubha sa 12 batang taga-Myanmar na ginamot sa Tsina.

"Umiyak ako dahil sa pagkabahala," sinabi niya, "kasi sinabi sa akin ng mga manggagamot na Tsino na kung sakaling mabibigo ang operasyon, hindi na makakauwi ang anak ko." "Kinonsulta ko ang kasama naming doktor na taga-Myanmar, at sinabi nilang halos walang posibilidad na gumaling ang anak ko sa Myanmar, kaya, hindi na ako nag-atubiling pumirma," dagdag pa ng ama. "Isang thumbs-up para sa mga doktor na Tsino; nakapagaling nila," sabi pa ng ama ni Wutt Yi Tun.

Si Wutt Yi Tun na nakahiga sa ward ng Beijing Anzhen Hospital bago ang operasyon

Si Wutt Yi Tun kasama ng chief surgeon na si Su Junwu pagkatapos ng surheriya



Mag-ama sa Tiananmen Square pagkaraan ng operasyon

Sinabi pa ni Charge d'affaires Chen na ehemplo ng pagkakaibigan ng Tsina at Myanmar ang proyekto ng pagkakaloob ng libreng paggamot sa mga batang taga-Myanmar na may CHD.

Dagdag ni Chen, bumisita sa mga bata si Aung San Suu Kyi, Pambansang Kasangguni ng Myanmar, sa panahon ng kanyang paglahok sa Belt and Road Forum for International Cooperation sa Beijing nitong nagdaang Mayo.

 

Si Suu Kyi, kasama ng mga batang taga-Myanmar sa Beijing Anzhen Hospital

Ani Chen, sina Wutt Yi Tun ay ang unang batch ng mga batang taga-Myanmar na pinagamot sa Beijing. Bukod sa nasabing 12 bata, may iba pang 38 batang taga-Myanmar na may CHD na nakatakda ring gamutin sa Beijng.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>