Nagsadya Martes, Mayo 16, 2017, si Aung San Suu Kyi, Tagapayo ng Estado ng Myanmar sa Beijing Anzhen Hospital para bisitahin ang mga batang taga-Myanmar na ginagamot doon.
Labimdalawang (12) batang taga-Myanmar na may congenital heart disease (CHD) ang kasalukuyang ginagamot sa nasabing ospital. Ang pinakabata sa kanila ay isang taon at walong buwan lamang at ang pinakamatanda ay 16 na taong gulang.
Sila ay ang unang batch ng mga batang taga-Myanmar na pinagagamot sa Beijing. Ayon sa proyektong ito na nasa pagtataguyod ng China Charity Association, bukod sa nasabing 12 bata, may iba pang 38 batang Myanmar na may CHD ay gagamutin sa Beijng.
Kinumusta ni Suu Kyi ang mga bata makaraang lumahok sa Belt and Road Forum for International Cooperation na idinaos mula Mayo 14 hanggang Mayo 15, 2017 sa Beijing.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio