Binigyan kamakailan ng international rating agency Fitch Ratings ng pinakamataas na AAA credit rating ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Nauna rito, binigyan din ng isa pang pangunahing international rating agency na Moody's ng pinakamataas na credit rating ang AIIB.
Ayon sa Fitch Ratings, ang mga bentahe ng AIIB, sapat na puhunan, at mababang panganib nitong dulot ng magandang pangangasiwa, ay mga pangunahing dahilan kung bakit binigyan ng pinakamataas na credit rating ang AIIB.
Salin: Liu Kai