|
||||||||
|
||
Sa preskong idinaos sa panahon ng pulong, ipinangako ni Jin Liqun, Presidente ng AIIB, na palalawakin ng bangkong ito ang pandaigdig na kooperasyon para sa konstruksyon ng imprastruktura.
Sinabi ni Jin, na mahalaga ang kooperasyon ng iba't ibang bansa para sa paglutas ng mga isyung may kinalaman sa imprastruktura. Ito aniya ang dahilan kung bakit sumapi sa AIIB ang maraming bansa.
Dagdag niya, sapul nang itatag ang AIIB, inaprobahan nito ang 2.57 bilyong Dolyares na pautang sa 16 na proyekto sa 9 na bansa. Aniya, ang kalidad, pagiging sustenable, at epekto sa lipunan at kabuhayan, ay laging mga mahalagang elementong isinasaalang-alang ng AIIB para sa pag-aaproba sa mga proyekto.
Sa nabanggit namang pulong, ipinahayag ni Xiao Jie, Ministrong Pinansyal ng Tsina, na bilang bansang nagharap ng mungkahi hinggil sa pagtatatag ng AIIB, lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang takbo ng bangkong ito. Marubdob din aniya ang pag-asa ng mga kasapi sa pag-unlad ng AIIB sa hinaharap. Umaasa aniya ang Tsina, na patuloy na magbibigay ng bagong lakas ang AIIB sa pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng imprastruktura at konektibidad.
Sa isa pang may kinalamang ulat, inaprobahan ng kasalukuyang pulong ang pagsapi ng Argentina, Madagascar at Tonga sa AIIB. Sa gayon, umabot sa 80 ang kabuuang bilang ng mga kasapi ng bangkong ito.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |