Sa ika-3 anibersaryo ng pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines, ipinahayag Hulyo 16, 2017 sa Kuala Lumpur ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia, na magsisikap ang pamalahalaan ng bansang ito para makuha ng mga kamag-anak ng mga biktima ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines ang katarungan.
Sinabi niyang inipon na ng MH17 Joint Investigation Team (JIT) ang napakaraming impormasyon at testimonya ng mahigit 200 katao. Dagdag pa niya, kahit hindi pa tapos ang pandaigdig na magkasanib na imbestigasyon sa insidenteng ito, naniniwala siyang siguradong mahahanap ang mga may-kagagawan at ihaharap sila sa batas.
salin:lele