|
||||||||
|
||
Kuala Lumpur — Ipinahayag kamakailan ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na magtutulungan ang Kuala Lumpur International Airport at Port Kelang upang maitayo ang Malaysia bilang primera klaseng logistics hub ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Aniya, ang Port Kelang ay nasa ika-11 puwesto sa daigdig. Sa pamamagitan ng kotse, ito aniya ay 1 oras lamang sa air cargo center ng Kuala Lumpur International Airport.
Ipinahayag ni Liow Tiong Lai na makaraang lumahok ang ALIBABA Group sa digital free trade zone, kinakaharap ng lohistikang Malay ang walang-tulad na pagkakataon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |