Ipinatalastas kahapon, Martes, ika-18 ng Hulyo 2017, ng panig militar ng Myanmar ang resulta ng imbestigasyon sa pagbagsak ng isang military transport plane, na naganap noong ika-7 ng nagdaang buwan. Anito, masamang panahon ang sanhi ng aksidente.
Ayon sa panig militar ng Myanmar, sinuri ng Australian Transport Safety Bureau ang narekober na flight data recorder at cockpit voice recorder ng naturang bumagsak na eroplano. Ayon sa rekord ng dalawang kasangkapang ito, walang ipinakitang teknikal na depekto ang eroplano. At sa panahon ng paglipad patungo sa Yangon, kinaharap ng eroplano ang malakas na hangin, na sanhi ng pagkawala ng kontrol ng eroplano. Ito ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing sasakyan, ayon pa sa ulat.
Salin: Liu Kai