|
||||||||
|
||
Ipinatalastas Hulyo 18, 2017, ng White House na ini-nominate ni US President Donald Trump si John Huntsman bilang embahador sa Rusya. Nagpahayag naman ng pagtanggap si Huntsman sa nasabing moninasyon.
Si John Huntsman ay miyembro ng Republican Party. Siya ay kasalukuyang Presidente ng Washington-based Atlantic Council. Minsan siyang naging Gobernador ng Estadong Utah, at tapos nito'y nahirang bilang embahador ng Amerika sa Tsina mula noong 2009 hanggang 2011.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |