|
||||||||
|
||
Ipinahayag Biyernes, Disyembre 30 ng Tsina ang pag-asang bilang dalawang impluwensyal na bansa sa daigdig, malulutas ng Amerika at Rusya ang kanilang alitan sa pamamagitan ng mapayapang pagsasanggunian.
Inilahad ang nasabing paninindigan ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon sa Beijing, Tsina.
Iniutos Huwebes ni Pangulong Barack Obama ng Amerika ang pagpapataw ng sangsyon laban sa Rusya at pinauwi rin niya ang 35 diplomatang Ruso na nakatalaga sa Amerika.
Bilang tugon naman sa pananaw ng mga tagapag-analisa na may posibilidad na bumuti ang relasyong Amerikano-Ruso kapag magsimula ang panunungkulan ni President-elect Donald Trump at dahil dito, maaapektuhan ang relasyong Sino-Amerikano, sinabi ni Hua na ang mainam na interaksyon sa pagitan ng Amerika, Tsina at Rusya at ang kanilang pagpapahigpit ng pagtutulungan ay makakabuti sa interes ng mga mamamayan ng tatlong bansa at maging sa buong daigdig. Inaasahan aniya ng Tsina ang ibayo pang pakikipagtulungan kapuwa sa Amerika at Rusya para mapasulong ang komong kaunlaran at kapayapaan ng daigdig.
Ipinagdiinan din ni Hua na laging naninindigan ang Tsina na pasulungin, batay sa Karta ng UN, ang pagtatatag ng bagong relasyong pandagidig kung saan ang kooperasyon at komong kaunlaran ay nagsisilbing nukleo.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |