Ipinahayag kamakailan ni Paisal Puechmongkol, Tagapayo ni Prawit Wongsuwan, Ministro ng Tanggulan ng Thailand, na mahalaga ang papel ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina sa pangangalaga sa kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig.
Sinabi niyang nitong ilang taong nakalipas, isinabalikat ng tropang Tsino ang patuloy na dumaraming aksyong pamayapa ng United Nations.
Hinangaan din niya ang paninindigan ng hukbong Tsino sa pangangalaga sa kapayapaan ng buong sangkatauhan.
Umaasa aniya siyang lalo pang lalalim ang pagpapalitan ng tropa ng Tsina at mga bansang ASEAN para pasulungin ang pagtitiwalaan ng dalawang panig.