|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Thailand, lumaki ng 11.7% ang halaga ng pagluluwas ng bansang ito noong isang buwan. Ayon sa pinakahuling datos, lumampas sa 113.5 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng Thailand noong unang hati ng kasalukuyang taon. Ito ay mas malaki ng 7.8% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ayon sa Ministri ng Komersyo ng Thailand, ang paglaki ng pagluluwas nito ay dahil sa, pangunahin na, sustenableng pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig, partikular, sa pag-ahon ng pamilihan ng mga pangunahing trade partner ng Thailand. Kabilang dito, lumaki ng halos 30% ang Chinese market.
Ipinalalagay din ng nasabing ministri na dahil sa ibinibigay na suporta ng pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig, mananatili pang mainam ang tunguhin ng paglaki ng pagluluwas sa huling hati ng kasalukuyang taon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |