Isiniwalat kamakailan ni Apiradi Tantraporn, Ministro ng Komersyo ng Thailand, na ayon sa kahilingan ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha, sa susunod na taon, pasusulungin ng kanyang ministri, pangunahin na, ang pag-unlad ng kabuhayan sa pitong (7) lunsod sa katimugan ng bansang gaya ng Songkhla, Pattani, at Yala. Lilikhain din ng bansa ang mas maraming trabaho at patataasin ang kita para sa mga mamamayang lokal.
Samantala, pinaplano ng Pamahalaang Thai na paunlarin ang sentro ng industriya sa katimugan ng bansa. Itatatag din ang sulong na sistemang pangtransportasyon, at gagalugarin ang sapat na human resources.
Salin: Li Feng