Sinabi Martes, ika-25 ng Hulyo, 2017, ng Ministri ng Katarungan ng Thailand na sinimulan nitong ipafreeze ang 12 bank account ni Yingluck Shinawatra, dating Punong Ministro ng bansa na may kinalaman sa kaso ng pagbili ng bigas. Nang araw ring iyon, sa pamamagitan ng kanyang social media page, kinumpirma ni Yingluck na ipinafreeze na ng pamahalaan ang kanyang ari-arian.
Lilitisin ng Kataas-taasang Hukuman ng Thailand ang kasong ito sa ika-25 ng Agosto. Kung mahahatulan siya, makukulong si Yingluck sa bilangguan ng di-lalampas sa 10 taon.
Salin: Vera