Ipinasiya kahapon ng Pambansang Asembleang Lehislatibo ng Thailand na ipagpaliban sa ika-28 ng kasalukuyang buwan ang agenda ng pagsusuri sa kasong kung i-impeach o hindi si dating Punong Ministro Yingluck Shinawatra.
Noong ika-29 ng nagdaang buwan, tinanggap ng naturang asemblea ang mosyon ng National Anti-Corruption Commission hinggil sa pag-iimpeach ni Yingluck, dahil sa di umano'y kanyang pagpapabaya sa tungkulin sa proseso ng pagpapatupad ng rice mortgage policy na nagdulot ng halos 500 bilyong baht na kapinsalaang pangkabuhayan sa bansa. Ang mosyong ito ay inilakip sa agenda ng pagsusuri ng asembleang lehislatibo sa ika-12 ng buwang ito.
Salin: Vera