Ang Dingbu Stone Bridge ay matatagpuan sa nayong Shishui, lunsod Wenzhou, probinsyang Zhejiang ng Tsina. Gawa ito sa mga bato noong panahon ng Qing Dynasty.
Ito ay may 144 na metrong haba at mayroon ding 233 tapakang bato na nakalatag sa ilog. Ang bawat hakbang'y may mataas at mababang lebel. Kapag may pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog, puwedeng gamitin ang mga hakbang sa mataas na lebel, at para naman sa mga hakbang sa mababang lebel, puwedeng makalakad nang sabay ang dalawang tao.
Salin: Li Feng