|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat ng Daily Mail Online ng Britanya, ang Tsina ay hindi lamang isa sa mga pinakamalaking bansa, kundi pinakamaganda rin sa buong mundo. Sa pamamagitan ng isang grupo ng mga kabigha-bighaning litrato, idinispley ng naturang website ang ilang super-gandang tanawin sa Tsina.
Turquoise pools: Para sa mga taong naghahanap ng paraiso, ang neon-coloured limestone ponds sa Huanglong Valley ay parang piyestang biswal. Sa paligid ay may magagandang maniyebeng bundok at iba't ibang uri ng hayop at halaman.
Kaleidoscopic hills: Parang nasa buwan ang tanawin ng Zhangye Danxia Landform Geological Park sa Lalawigang Gansu. Dito may mga bulubunduking may iba't ibang kulay, talagang katangi-tangi ang tanawin.
Kagandahan ng mosaic: Mula Disyembre hanggang Abril, umaapaw sa tubig ang rice terraces sa Yuanyang County, Lalawigang Yunnan, na parang basag na salamin kung sa malayo tatanawin.
Biyahe sa umaga: Malakas na buga ng usok mula sa tumatakbong tren sa Jitong.
Dulo ng Great Wall: Kilalang-kilala ang Great Wall, pero marami ang di pa nakikita ang pinakadulo ng pamosong landmark ng Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |