Sa Maynila--Nilagdaan kamakailan ng Philippine Airlines (PAL) at Hainan Airlines ng Tsina ang Letter of Intent (LOI) para mapasulong ang pagtutulungan.
Ipihayag ni Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL na batay sa nasabing LOI, magtatalakayan ang dalawang airliners hinggil sa posibleng larangan ng partnership na gaya ng codeshare agreement o interline agreement.
Nagsimula nang palawakin ng PAL ang operasyon sa pamilihang Tsino. Noong Abril, 2016, nagbukas ito ng dalawang linya sa pagitan ng Chengdu at Kalibo, at Chengdu at Cebu.
Salin: Jade
Pulido: Mac