Pinagtibay Sabado, Agosto 5, 2017 ng UN Security Council (UNSC) ang resolusyon bilang 2371 para isagawa ang mas mahigpit na sangsyon sa Hilagang Korea.
Sa naturang resolusyon, matinding kinondena ng UNSC ang dalawang magkahiwalay na intercontinental ballistic missile test na isinagawa ng bansang ito noong ika-4 at ika-28 ng nagdaang Hulyo. Hiniling ng UNSC sa Hilagang Korea na itakwil ang plano ng sandatang nuklear at missiles.
Ang panukala ng resolusyong ito ay binalangkas at isinumite ng Amerika sa UNSC. Ang mga bagong sangsyon ay nakatuon sa mga produktong iniluluwas ng Hilagang Korea na gaya ng carbon, mina ng bakal, mina ng lead at sea products. Bukod dito, ipinagbawal ng resolusyon ang pagtanggap ng mga bansa sa mga bagong manggagawa na galing sa Hilagang Korea.
Batay sa naturang resolusyon, mababawasan ng di-kukulangin sa 1 bilyong US Dollars ang foreign exchange receipt ng Hilagang Korea. Ang bilang na ito ay katumbas ng halos sangkatlo ng kabuuang bolyum ng foreign exchange receipt ng nasabing bansa.
Inulit ng nasabing resolusyon ang pagkatig sa pagpapanumbalik ng Six Party Talks at pagsasakatuparan ng ligtas sa sandatang nuklear sa Korean Peninsula sa mapayapaang paraan.