Martes, Hulyo 4, 2017—Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, inilabas ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) ang pahayag bilang kondemnasyon sa pagsubok-lunsad ng Hilagang Korea ng ballistic missile nang araw ring iyon. Hinimok niya ang Hilagang Korea na itigil ang aksyong probokatibo.
Anang pahayag, ang naturang aksyon ay muling lubhang lumabag sa kinauukulang resolusyon ng UN Security Council (UNSC), at humantong sa mapanganib na paglala ng kalagayan. Dapat aniyang agarang itigil ng lider ng Hilagang Korea ang ibayo pang probokasyon, at komprehensibong sundin ang obligasyong pandaigdig. Binigyang-diin din ni Guterres na habang humaharap sa nasabing matinding hamon, napakahalaga ng pagpapanatili ng pagkakaisa ng komunidad ng daigdig.
Ayon sa ulat, ipinatalastas Martes ng Hilagang Korea na matagumpay nitong sinubok ang pagpapaputok ng "Mars-14" Intercontinental Ballistic Missile. Lumipad nang 39 na minuto ang missile, ayon sa itinakdang orbit, at tumpak na tumama sa itinakdang target, sa laot sa dakong silangan ng Korean Peninsula.
Salin: Vera