|
||||||||
|
||
Sa pagtatagpo kahapon, Agosto 10, 2017, nina Punong Ministro Prayut Chan-o-cha ng Thailand at Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya, ipinahayag nila na magsasagawa ng mga hakbangin upang mapataas ng malaki ang halaga ng kanilang bilateral na kalakalan.
Sinabi ng dalawang panig na magsisikap sila upang mapataas sa 10 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan ng dalawang bansa sa taong 2020 mula sa kasalukuyang 2 bilyong dolyares. Ipinahayag pa nila na magsasagawa ng kooperasyon sa mga larangang tulad ng enerhiya, siyensiya't teknolohiya, seguridad, at pamumuhunan.
Bukod dito, iniharap din ng panig Thai ang pag-asang magsisimula ang free trade agreement talks sa pagitan ng Eurasian Economic Union at Thailand sa pinakamadaling panahon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |