Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Soberanya ng Tsina sa Nansha Islands, wala ng duda-Tagapagsalitang Tsino

(GMT+08:00) 2017-08-11 09:51:00       CRI

Kahapon, Agosto 10, 2017-Pumasok ang USS John S. McCain Combat sa karagatang malapit sa Nansha Islands ng Tsina, para umano'y isagawa ang "malayang paglalayag." Dahil wala itong awtorisasyon mula sa pamahalaang Tsino, ipinadala ng hukbong pandagat ng Tsina ang warship para itaboy ang nasabing combat ship.

Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang duda ang soberanya ng Tsina sa Nansha Islands at karagatan sa paligid nito. Aniya, ang aksyon ng panig Amerikano ay hindi lamang lumabag sa batas ng Tsina at daigdig, kundi lumalapastangan din sa soberanya at seguridad ng bansa. Ipinarating aniya ng Tsina ang solemnang protesta sa Amerika hinggil dito.

Ani Geng, hindi babaguhin ng Tsina ang determinasyon sa pangangalaga sa kabuuan ng soberanya at teritoryo ng estado at sa katatagan ng South China Sea. Samantala, isasagawa aniya ng Tsina ang hakbang para ibayong pataasin ang kakayahang pandepensa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>