Pumasok sa loob ng teritoryo ng Tsina ang ilang armadong tauhan ng India, sa pamamagitan ng daang panlupa sa pagitan ng Tsina at Sikkim, at tinangka nilang pigilin ang normal na aksyon ng mga sundalong Tsino. Kaugnay nito, ipinahayag Hunyo 26, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang uurong ang mga Indian sa kanilang posisyon, at isasagawa ng panig Indian ang imbestigasyon hinggil dito. Ito aniya'y makakatulong sa pangangalaga sa katatagan sa mga purok-hanggahan ng dalawang panig.
Dagdag pa ni Geng, dahil sa elementong panseguridad, pansamantalang sususpindehin ng Tsina ang pagpapapasok ng mga Indian pilgrims sa teritoryo ng bansa, sa pamamagitan ng Natula pass.