|
||||||||
|
||
Ayon sa "Jakarta Post," naaprobahan na kamakailan ng Eurasian Economic Union (EAEU) ang Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA) sa Indonesia. Layon ng kasunduang ito na itaas sa 5 bilyong dolyares ang taunang halaga ng kalakalan ng dalawang panig sa loob ng darating na 2 hanggang 3 taon.
Ipinahayag ni Indonesia Trade Secretary Enggartiasto Lukita na kasabay ng pagpapasulong ng kaukulang talastasan, hiniling din sa Indonesia na pag-aralan ang Memorandum of Understanding (MoU) draft na ginawa ng mga bansang kasapi ng EAEU.
Ayon pa kay Lukita, noong isang taon ay nilagdaan ng Biyetnam at EAEU ang Free Trade Agreement. Aktibo ring isinusulong ng India, Tsina, at Singapore ang proseso ng pakikipagtalastasan sa EAEU tungkol sa nasabing kasunduan, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |