Ayon sa ulat ng pahayagang "Jakarta Post" ng Indonesia, upang ibayo pang pataasin ang tax revenue sa loob ng bansa, noong isang linggo, nilagdaan ng Indonesia at Hong Kong ang kasunduan sa pagtatamasa ng impormasyong pinansiyal. Ang kasunduang ito ay naglalayong kunin ang impormasyon ng ari-arian ng mga Indonesian taxpayer sa Hong Kong, at akiting ibalik ang mas maraming ari-arian mula sa ibayong dagat.
Bukod sa Hong Kong, binabalak na lagdaan ng Indonesia, kasama ng Switzerland, Singapore, Macao at iba pa ang ganitong kasunduan. Ang nabanggit na mga bansa't rehiyon ay itinuturing na pangunahing rehiyon na pinaglalagakan ng mga di-iniuulat na ari-arian ng mga Indonesian taxpayer sa ibayong dagat.
Salin: Vera