Ayon sa awtoridad ng Wolong National Nature Reserve sa Sichuan Province sa dakong timog-kanluran ng Tsina, ang mga panda roon ay ligtas sa magnitude 7 na lindol na yumanig sa Jiuzhaigou, UNESCO World Heritage site noong Agosto 8, 2017.
Ang Wolong na matatagpuan sa timog-kanluran ng Jiuzhaigou ay mahigit 1000 kilometro ang layo mula sa Jiuzhaigou. Halos 150 wild giant panda ang kasalukuyang namumuhay sa Wolong.
Isang giant panda habang naglalaro sa China Conservation and Research Center for the Giant Panda sa Wolong. Larawang kinunan Agosto 11, 2018. (Xinhua/Wu Guangyu)
Salin: Jade
Pulido: Rhio