|
||||||||
|
||
Mula Hulyo 5, hanggang 9 (local time), 2017, pinasinayaan sa Berlin Zoo ang aktibidad na pinamagatang "Feel China — Sichuan Chengdu Cultural Week."
Kasunod ng pormal na pagbubukas sa publiko ng panda pavilion ng Berlin Zoo, pinupuntahan ito ng maraming turista bawat araw. Gusto nilang makita ang dalawang pandas na sina "Meng Meng" at "Jiao Qing" na nagmula sa Chengdu Research Base of Giant Panda Breeding. Kasabay nito, malaking bilang ng mga tao ang naaakit ng nasabing aktibidad na nasa tabi ng panda pavilion.
Dahil din sa nasabing cultural week, mauunawaan ng mga tao ang mga bantog na musikang Tsino, Kung Fu Tea, Qingcheng Tai Chi, face-changing in Sichuan Opera, at iba pang palabas na may katangiang Sichuan.
Dagdag pa riyan, puwede ring lumahok ang mga turista sa mga aktibidad na may iba't-ibang paksa upang maranasan ang mga tradisyonal na kulturang Tsino.
Magugunitang lumagda noong Aril, 2017, ang China Wildlife Conservation Association (CWCA) at Berlin Zoo sa 15-year Sino-German Cooperation Agreement on Giant Panda Conservation and Research. Ayon sa kasunduang ito, ipinadala ang nasabing dalawang panda sa Alemanya mula Chengdu.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |