|
||||||||
|
||
Binuksan Huwebes, Agosto 17, 2017, sa Quanzhou, probinsyang Fujian ng Tsina, ang BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa) Seminar on Governance na may temang "Openness, Inclusiveness, Mutual Benefit and Win-Win, Working Together to Build a Community of Shared Future for Mankind." Nagtipun-tipon dito ang mga politiko, eksperto, at iskolar mula sa mga bansang BRICS, at marami pang bansang gaya ng Tanzania, Chile, at Mexico, upang magkaroon ng malalimang pagpapalitan tungkol sa mga temang kinabibilangan ng magkakasamang pagpapasulong ng komong pag-unlad, pagtataguyod ng dibersidad at kasaganaan ng sibilisasyon, pagpapabuti ng global governance system, at iba pa.
Idinaos sa Quanzhou ang BRICS Seminar on Governance.
Bilang mahalagang bahagi ng gaganaping BRICS Summit sa Xiamen, sa naturang seminar ay magkakahiwalay at aktibong pinagplanuhan ng mga kalahok ang pag-unlad ng mekanismo ng BRICS sa hinaharap.
Si Tarun Vijay, Presidente ng India-China Parliament Group
Ipinahayag ni Tarun Vijay, Presidente ng India-China Parliament Group, na higit sa isang komunidad, magkapamilya pa ang limang bansang BRICS. Aniya, 22.5% ang proporsiyon ng kabuuang bolyum ng kabuhayan ng mga bansang BRICS sa kabuhayang pandaigdig, at 17.2% naman ang proporsiyon ng kabuuang halaga ng kanilang kalakalan sa kalakalang pandaigdig. Malalimang nakikipagsangkot na ang limang bansang BRICS sa kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |