Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-28 ng Hulyo 2017, sa Beijing, ang ika-7 pulong ng mga mataas na kinatawan sa suliraning panseguridad ng mga bansang BRICS, na kinabibilangan ng Brazil, Russia, India, China, at South Africa.
Tinalakay ng mga kalahok ang mga isyung gaya ng pandaigdig na pangangasiwa, paglaban sa terorismo, cyber security, seguridad sa enerhiya, pambansang seguridad, at iba pa. Ipinalalagay nilang kailangang patuloy na palakasin ng mga bansang BRICS ang koordinasyon sa larangan ng seguridad, para pag-isahin ang posisyon at mga aksyon sa larangang ito.
Salin: Liu Kai