Nagtagpo kahapon, Biyernes, ika-18 ng Agosto 2017, sa Maynila, sina Guo Weimin, Pangalawang Direktor ng State Council Information Office (SCIO) ng Tsina, at Martin Andanar, Kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Positibo si Guo sa pagbalik ng relasyong Sino-Pilipino sa landas ng malusog at matatag na pag-unlad, at komprehensibong pagsulong ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan. Umaasa aniya siyang, batay sa memorandum na nilagdaan ng SCIO at PCOO, magkasamang magsisikap ang dalawang panig, para walang humpay na palalimin ang pragmatikong kooperasyon ng media ng Tsina at Pilipinas.
Ipinahayag naman ni Andanar, na kasunod ng paghigpit ng relasyon ng Pilipinas at Tsina, mabilis ding umuunlad ang pagpapalitan at pagtutulungan ng media ng dalawang bansa. Aniya pa, kailangang madagdagan ang kaalaman ng mga mamamayang Pilipino hinggil sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina, tradisyonal na kulturang Tsino, at Belt and Road Initiative.
Salin: Liu Kai