|
||||||||
|
||
Manila — Idinaos Martes, Pebrero 14, 2017, ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at China Radio International (CRI) ang seremonya ng paglalagda sa kasunduang pangkooperasyon ng mga mediang Tsino at Pilipino. Dumalo rito ang CRI delegation na pinamumunuan ng Presidente nitong si Wang Gengnian. Sa ngalan ng CRI,magkakahiwalay siyang nakipaglagda ng kasunduang pangkooperasyon sa PCOO, Radyo ng Bayan (RNB), People's Television Network (PTV), at Philippines News Agency (PNA). Makaraang isagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state visit sa Tsina noong isang taon, ito ang unang natamong bungang substansyal ng mga pampamahalaang media ng dalawang bansa.
Sina Undersecretary Noel George P. Puyat ( kaliwa) ng PCOO at Presidente Wang Gengnian (kanan) ng CRI habang lumalagda sa kasunduan
Isinalaysay ni Presidente Wang na nagsasahimpapawid araw-araw ang CRI sa buong daigdig sa animnapu't limang (65) wika. Kabilang dito, may 52 taong kasaysayan ang Serbisyo Filipino ng CRI na siyang tanging pampamahalaang media na gumagamit ng wikang Filipino sa daigdig sa labas ng Pilipinas. Aniya pa, layunin ng CRI Filipino Service na mapalalim ang pag-uunawaan at pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayang Tsino at Pilipino.
Sina Presidente Wang Gengnian (kaliwa) ng CRI at Direktor Rizal Giovanni Aportadera (kanan) ng RNB habang pumipirma sa kasunduang pangkooperasyon
Lumaglagda sina Presidente Wang Gengnian (kanan) ng CRI at General Manager Dino Antonio Apolonio ng PTV (kaliwa) sa kasunduang pangkooperasyon
Lumalagda ng kontratang pangkooperasyon sina Presidente Wang Gengnian (kaliwa) ng CRI at Direktor Virgina Agtay ng News and Information Bureau
Idinagdag pa niya na may mahigpit na mithiin ang mga mediang Tsino at Pilipino sa kooperasyon, at ang pagpapalakas ng mga mediang ito ay di-maiiwasang resulta ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Pagkaraang lagdaan ang kasunduan, isasagawa aniya ng dalawang panig ang kooperasyon sa mga aspektong tulad ng pagpapalitan ng impormasyon, pagdadalawan ng mga tauhan, pagpapalitan ng teknolohiya, at magkakasamang pagpoprodyus ng mga programa.
Litrato ng lahat ng signataryong panig
Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Undersecretary Noel George P. Puyat ng PCOO, ang lubos na papuri sa ginagawang pagsisikap ng CRI upang mapasulong ang kooperasyon ng mga mediang Pilipino at Tsino. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng kooperasyong ito, mauunawaan ng mas maraming mamamayang Pilipino ang kulturang Tsino, at mauunawaan din ng mas maraming mamamayang Tsino ang kulturang Pilipino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |