Ayon sa pahayag na inilabas Sabado, Agosto 19, 2017 ng Embahadang Tsino sa Thailand, inaasahang magsisimula sa lalong madaling panahon ang unang yugto ng proyekto ng kooperasyon ng dalawang bansa sa daambakal.
Ang unang yugto ng nasabing proyekto ay tumutukoy sa konstruksyon ng daambakal sa pagitan ng Bangkok at Nakhon Ratchasima ng Thailand.
Sa katatapos na pulong ng lupong pangkooperasyon ng dalawang bansa sa daambakal, itinakda ang mga pinal na disenyo at presyo hinggil ng daambakal sa pagitan Bangkok at Nakhon Ratchasima.
Ayon pa sa pahayag, lalagdaan ng dalawang bansa ang mga may kinalamang kasunduan sa darating na Setyembre at sisimulang itayo ang daambakal sa Oktubre.
Ang nasabing daambakal ay high speed railway kung saan gagamitin ang standard gauge. Ang haba nito ay aabot sa 253 kilometro.
Ang ikalawang yugto ng nasabing proyekto ay konstruksyon ng daambakal sa pagitan ng Nakhon Ratchasima at Nong Khai ng Thailand. Ito'y magpapadali ng komunikasyon at transportasyon ng bansang ito.