Ipinahayag Martes, Agosto 22, 2017 ni Pavlo Klimkin, Ministrong Panlabas ng Ukraine, na ang pag-uusap ng mga kinatawan ng Amerika at Rusya ay nakakatulong sa paglutas sa isyu ng kanyang bansa.
Ayon sa pahayag ng Ministring Panlabas ng Belarus, nag-usap Lunes, Agosto 21, sa Minsk, Belarus sina Kurt Volker, Espesyal na Sugo ng Amerika sa isyu ng Ukraine, at Vladislav Surkov, Asistente ng Pangulong Ruso para talakayin ang krisis ng Ukraine at pagsasakatuparan ng kasunduan ng tigil-putukan sa bansang ito.
Ayon sa ulat ng Belta, National News Agency ng Belarus, pagkatapos ng pag-uusap, ipinahayag ni Vladislav Surkov na ikinababahala ng dalawang panig ang kasalukuyang kalagayan sa dakong timog silangan ng Ukraine. Bukod dito, sinang-ayunan ng dalawang bansa na dapat pabilisin ang prosesong pangkapayapaan ng bansang ito sa pamamagitan ng pulitika at seguridad.