Ipinatalastas Miyerkules, Hunyo 28, 2017 ng Unyong Europeo (EU) na dahil di-mainam ang kalagayan ng pagsasakatuparan ng Rusya sa Minsk Agreement, pahahabain pa nito ang sangsyong pangkabuhayan sa Rusya hanggang ika-31 ng Enero ng taong 2018.
Ang nasabing sangsyon ay nakatuon sa mga produktong Ruso na may kinalaman sa pinansiya, enerhiya, at militar.