Isinapubliko Miyerkules, Agosto 23, 2017 sa Beijing ang edisyong Ingles at Prenses ng aklat ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa pagpawi ng kahirapan.
Sa nasabing aklat na pinamagatang "Up and Out of Poverty," makikita ang 29 na artikulo na isinulat ni Xi habang nanunungkulan siya bilang Kalihim ng Lupong Panlusod ng Ningde ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) mula 1988 hanggang 1990. Bukod dito, inilathala rin sa librong ito ang 10 litrato ni Xi.
Ang nilalaman ng mga artikulo ay tungkol sa mga patakaran at ideya na iniharap ni Xi para pasulungin ang pag-unlad ng lugar sa dakong silangan ng lalawigang Fujian ng Tsina.