Beijing — Idinaos Lunes, Agosto 21, 2017, ang seremonya ng pagsisimula ng Chinese Center for International Knowledge on Development (CIKD) at preskon hinggil sa "Ulat ng Progreso ng Pagsasakatuparan ng Tsina sa Agenda ng Sustenableng Pag-unald sa Taong 2030." Ipinadala dito ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati.
Tinukoy ng Pangulong Tsino na ang pagsasakatuparan ng Agenda for Sustainable Development ay kasalukuyang komong tungkulin ng kooperasyong pandaigdig. Ito rin aniya ay komong responsibilidad ng komunidad ng daigdig. Lubos aniyang pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pagsasakatuparan ng agendang ito. Balanse aniyang isinusulong ng Tsina ang mga kaukulang gawain sa tatlong malaking larangang gaya ng kabuhayan, lipunan, at kapaligiran, at bunga nito, natamo ang maraming maagang ani.
Ipinahayag din ni Pangulong Xi ang kanyang kasiyahan sa pagkakatatag ng CIKD. Umaasa aniya siyang makakapagbigay ito ng positibong ambag sa pagpapasulong ng pandaigdigang kooperasyon sa pag-unlad, at pagpapasulong ng pagsasakatuparan ng Agenda for Sustainable Development sa buong mundo.
Salin: Li Feng