|
||||||||
|
||
Sinabi Huwebes, Agosto 24, 2017, ng U.S. Navy na hindi kasama sa sampung (10) nawawalang tripulante ng USS John S. McCain ang bangkay na unang natagpuan ng Malaysian navy sa karagatan kung saan bumangga ang nasabing US destroyer sa isang merchant vessel. Dahil dito, ibabalik sa kaukulang awtoridad ng Malaysia ang nasabing bangkay.
Batay sa medical examination sa bangkay na natagpuan ng mga Malaysian, kumpirmadong hindi ito katawan ng isa sa mga nawawalang mandaragat, ayon sa U.S. Seventh Fleet.
Nitong Lunes, Agosto 21, 2017, bumangga ang guided-missile destroyer USS John S. McCain sa isang merchant vessel sa silangang karagatan ng Singapore, na ikinawala ng sampung (10) tripulanteng Amerikano at ikinasugat ng lima (5) iba pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |