Ibinigay kahapon, Agosto 23, ng Malaysian Navy ang bangkay ng isang nawawalang tauhan ng USS John S McCain (DDG 56) sa Amerika.
Sa isang pahayag na ipinalabas ng US Navy Seventh Fleet, noong umaga ng Agosto 21, naganap ang banggaan sa pagitan ng DDG 56 at isang bapor na komersyal sa rehiyong pandagat sa silangan ng Singapore, na ikinasugat ang 5 katao at ikinawala ng 10 iba pa. Noong ika-22 ng buwang ito, nakita ng isang patrol boat na Malaysia ang nasabing bangkay, mga 7.5 milya ang layo sa gawing hilagang kanluran ng lugar ng banggaan.
Patuloy na nakikipagkooperasyon ang Malaysian Navy sa kapulisang Malay at tropang pandagat ng ibang bansa para isagawa ang paghahanap.