Ayon sa pahayag Sabado, Agosto 26, 2017 ng departamentong panseguridad ng Afghanistan, mahigit 30 katao ang nasawi sa teroristikong pag-atake Biyernes sa isang mosque sa Kabul, kabisera ng bansang ito. Samantala, di-kukulangin sa 80 ang nasugatan.
Ayon sa nasabing pahayag, di-kukulangin sa 4 na armadong tauhan ang naglunsad ng nasabing pag-atake. Dalawa sa kanila ang nagsagawa ng suicide bombing attack, at ang iba dalawa ang binaril ng mga pulis.
Pagkatapos ng pag-atake, kinondena ni Pangulong Ashraf Ghani ng bansang ito ang nasabing pag-atake.
Inako ng Islamic States (IS) ang responsibilidad sa nasabing insidente.