Ayon sa pahayag na inilabas Lunes, Hulyo 10, 2017 ng White House ng Estados Unidos, bumati si Pangulong Donald Trump sa pagkakabawi ng Iraq sa Mosul. Sinabi niyang patuloy na gagawa ng paraan ang Amerika at mga kaalyado nito para mapabagsak ang teroristikong organisasyong "Islamic State(IS)."
Ang Mosol ay ika-2 pinakamalaking lunsod ng Iraq. Noong Hunyo ng 2014, sinakop ito ng IS, at nagsilbi itong punong himpilan ng IS sa loob ng Iraq. Ipinatalastas Lunes ni Haider al-Abad, Punong Ministro ng Iraq, na naisakatuparan na ang komprehensibong liberasyon sa Mosol.
Sa naturang pahayag, bumati si Trump sa tagumpay ni al-Abad at ng tropang panseguridad at lahat ng mga mamamayan ng Iraq sa pagtataboy sa mga terorista.
Ipinahayag naman ni Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na ang pagpapalaya sa Mosul ay naging masusing milestone ng pagbibigay-dagok sa IS. Aniya, sa pamumuno ng Iraq, patuloy na makikipagkooperasyon sa United Nations (UN), Amerika at mga kaalyansa nito laban sa terorismo, upang mapatatag ang buong rehiyon ng Mosul, at katigan ang pagbalik ng mga mamamayan sa kanilang tahanan.
Salin: Vera